Manix Abrera: Rockin’ the Stars

- Advertisement -
Manix Abrera

I first met Manix Abrera in a van of all places, enroute to Quezon Province, while he was fast asleep.

We were to deliver each a lecture together with the head of the University of Santo Tomas’ Department of Literature and the Humanities Dr. Joselito “Jowie” Delos Reyes to a little over 500 campus editors, photographers, cartoonists and writers.

I knew Manix from way back albeit not in person. My children were avid readers of his comic books and graphic novels. Having spent a considerable amount of time sitting as one of the jurors of the Manila Critics Circle for the National Book Awards, I was also aware of his winning streak.

This young man with the familiar goatie and the humblest of auras was—and still is—in fact a rockstar in the world of the visual arts. His cult following runs in the untold thousands, charmed by his daily comic strip Kikomachine which runs six days each week in the Philippine Daily Inquirer and several books and graphic novels under his name.

Abrera twice won the National Book Award for his “silent” graphic novel “14” and “News Hardcore: Hukbong Sandatahan ng Kahaggardan!”. This, I feel, is a worthwhile tribute to the contribution of the visual arts to the work of literature.

We arrived in Quezon hours later and one could almost feel this connection he had with young students. Heads turned and eyes glowed with Manix’s every move. And yet, after all the fan-boying and fan-girling I saw, one could tell that not a snooty bone exists anywhere in his body, not even a smug afterthought.

Manix must’ve learned early on the genius that goes with true art: Hard work. Further proof of this came in the next few days when I saw him wrangle to beat his deadline while in the middle of breakfast.

I’ve had my share of living with visual artists: My father Oscar, an award-winning pointillist who once competed in the United States; my daughter Rei whose collaboration provided the artwork for my essay published in the coffee table book “Rizal+” and the cover artwork for my upcoming book by the Ateneo de Naga University Press “Shot Glass”; and my son who recently graduated cum laude in B.S. Animation.

With artistic bit and bridle in place, they run the gauntlet with obsession for detail on the one side and the deadline in the other. They work with as much zeal as there is paper and ink on hand, often lasting for several hours to many days.

For Manix Abrera, the graphic novelist who boasts of a degree in Fine Arts at the University of the Philippines, there’s more. There’s the story that only he can tell.

A closer look at his comic strips in the Inquirer tells me he marvels in the simple everyday slices of life. His material for the story consists of day by day meanderings of his characters, sketches of the daily grind, sometimes even the politics of the mundane, which remain largely unnoticed to the average man on the street.

These slices of life not only reminds his readers of what they may have passed over, but provide shape and form to his Kikomachine series.

To Manix, this celebrated visual artist, still the story reigns supreme.

Q&A

Manix Abrera with Philippines Graphic Editor in Chief Joel Pablo Salud

Ano yung nag-udyok sayo na pumasok sa larangan ng pagguhit? Pag-drawing at pagkukwento? Naalala mo pa ba yung unang-unang panahon na nagdesisyon ka, yung conscious na conscious yung desisyon mo maging visual artist and cartoonist?

Ang hirap naman ng first question niyo. Yung tatay ko kasi, si Jess Abrera, cartoonist siya sa Philippine Daily Inquirer diba, so naalala ko bata pa lang ako, lagi akong tumatabi sa drawing table niya tapos pinapanood ko siyang nagdo-drawing. Lagi kong ginagaya yung drawings ng tatay ko. At dahil political cartoonist siya, ang characters niya lagi sa mga comics niya yung mga presidente—sina Cory, sina Marcos…

May mga comics din ba siyang iginuhit?

Oo, bukod dun sa editorial cartoon, may comic strip siyang Alipin yung title, so yung characters niya sina Cory, tapos yung iconic na kalabaw na nagsasalita, ayun. So, ginagaya ko rin yun, itong mga characters niya, yung sina Cory, sina Marcos, although hindi ko sila kilala. So gagayahin ko lang yung itsura ni Cory pero gagawing kong ninja, ayan, ninja si Cory, tapos robot si Marcos, tapos magaaway-away sila, ganyan. Basta ganun yung ginagawa ko. Tapos nun tuwang-tuwa ako kasi nakikita kong ang saya-saya niya tuwing gumuguhit siya. So honestly, bata pa lang ako, siguro mga five years old ako, dun ko na-realize na gusto kong maging katulad niya, gusto kong maging cartoonist, gusto kong gumawa ng sarili kong kwento at gusto kong gumawa ng comics. So I made a career out of it noong paglaki ko na, tinitignan ko na gusto kong maging komikero.

Kasi ‘di ba may panahon sa Pilipinas na pag sinabi mong, ay, gusto ko pong maging artist, gusto ko pong kumanta, gusto ko maging manunulat, gusto kong maging graphic artist, either tatawanan ka ng pamilya mo, o madalas mamumura ka pa diba? Bakit gusto mong maging artist, wala namang pera diyan eh, ganun-ganun. Well, surely, hindi ka ginanoon ng magulang mo kasi artist na yung papa mo eh. Pero wala ka bang narinig nung una sa mga pamilya mo na bulung-bulungan na, ano ba yan, si Jess, wala na nga siyang kinikita, susulong pa yung anak dun sa pagiging artist. Parang suicide naman yan.

Masuwerte din ako na yung tatay ko artist mismo. So malawak kaagad yung pag-iisip niya. Tapos nung sinabi ko sa kanya na gusto ko ring pumasok sa career bilang artist, unang-una niyang sinabi sakin na, sige, kung gusto mo maging artist, siguraduhin mong mahal mo talaga yung gagawin mo at siguraduhin mong hindi pera at fame yung habol mo. So dapat, gusto mo talaga yung gagawin mo. So, naisip ko yun na, sige, pag magiging artist ako, ‘di ko iisipin kung yayaman ba ‘ko dito, kung sisikat ako. Sabi niya, yung pera tsaka fame, bonus lang yan kung naging okay ka, pero dapat yung sentro ng lahat ng gagawin mo sa art talaga. Na-realize ko na mahal na mahal ko talaga itong art tsaka yung pagkokomiks. Tapos, parang nabuhay na rin ako sa panahon na patapos na yung mga tingin na lagi na lang struggling artist. Kasi kinukwento sakin nung tatay ko, nung panahon nila, ito yung sinasabi niyo na talagang kukutyain ka talaga, na walang pera diyan, mamamatay ka na lang diyan, anong papakain mo sa pamilya mo? Pintura? So nung nagkokomiks na ako, nagkaron ako ng plano. Nilalaro ko kasi yung stories. Nagkaroon ako ng series na Parallel Earth yung title. Ito yung kumbaga sa alternate reality, sa ibang Earth, ano kaya yung buhay nila doon? So gumawa ako ng series na Parallel Earth, ang kinukutya ng mga tao yung mga gustong mag-doctor, gusto maging abogado. Binaliktad ko. Gusto niya dapat maging artist yung anak niya. So, eksena, yung bata lumapit sa tatay niya, sabi niya, papa gusto ko kasing magshift eh. Sabi ng tatay niya, ha, bakit? Okay naman yung pagiging fine arts mo ah. Sabi nung bata, eh gusto ko po talaga mag-medicine tatay eh kasi parang tuwing uwian, iniisip ko talaga na magpagaling ako ng tao, gumawa ako ng gamut. Galit na galit yung tatay niya. Ano ipapakain mo sa pamilya mo, gamot? Ang sarap laruin kasi parang pag nilalaro mo yung kwento, parang mapapaisip rin yung reader na, oo nga naman, bakit ba ganyan? Para sa akin, maganda yung ganoon.

I’m sure mayroon kang pinaghuhugutan sa bawat kwento mo—buhay mo, yung mga naririnig mo rin sa iba. Pero dun sa style ng pagguhit, conscious ka ba na binago mo ito, na hindi ka sumunod dun sa mga popular na styles kagaya ng Japanese anime?

Sobrang ganda nung question niyo. Habang lumalaki ako, lagi akong pinapagalitan or pinagsasabihan ng tatay ko na huwag na huwag akong gagaya ng style ng ibang artist. Kasi pag naperfect ko yung style ng artist na to, kunyari isa sa mga idol ko si Pol Medina ng Pugad Baboy, pag naperfect ko yung style ni Pugad Baboy, forever magiging number two Pol Medina lang ako o Pugad Baboy. So dapat mag-strive ako na maging number one sa kung sino ako as an artist. So kung artist ka, mag-strive ka talaga na makilala ka sa sarili mong style, sa technique, paano ka magkwento, point of view mo. In fact, sinasabi sakin na mas mabuti pang medyo parang pangit yung gawa mo pero sarili mong style kaysa yung na-perfect mo nga pero hindi naman talaga iyo. Dahil dito, naging conscious akong mas maging original, yung mahanap mo yung sarili mong style at technique. Pero ang hirap din maggawa niyan kasi noong high school ako, meron akong idol na idol na artist, si Jim Lee. Tapos ang mga dino-drawing niya X-Men, yung talagang mga hardcore talaga. So lahat ng drawing ko nun, ginagaya ko talaga siya, galit yung mga tao, laging pumuputok yung mga muscle, ganyan. Eh medyo kilala ako dito sa school na ito yung mga magagaling mag-drawing eh. So lumapit sakin yung homeroom teacher ko, sabi niya, Manix mag-design ka nga ng stage natin para sa family day. Eh yung theme nung family day mga farming-farming, mga masasayang pamilya. Eh gusto ko magpasikat so yung mga dinrawing ko mga kalabaw ang lalaki ng mga muscle. Tapos dun ko narealize na dapat pala kung artist ka, nag-aadjust ka dun sa mga gusto mong i-communicate. Importante yung tema, hindi yung pasikat ka lang na may ginagaya kang style. Dun ko rin narealize na dapat nga nakakapag-adjust ka at may sarili kang style or technique.

Speaking of pagiging sikat, alam mo pag ganyang talentado yung tao, madali silang mapansin. Kaya nga sabi mo kanina, kilala kayo, yung grupo mo or ikaw sa eskwela na kayo yung magagaling gumuhit. Hindi ba naging mahirap ‘yan? Hindi ba nagging daan yan para maraming lumalapit sayo, tapos nagkakagusto sayo. ‘Lam mo na, yung ga dikit ng dikit at sama ng sama sa’yo?

Grabe naman [laughs]. Hindi ko naman pinapansin, di ko naman iniisip na parang ganun. Pero maraming mga lumalapit na mga artist din na bata na sinasabing ah, gusto ko din maging komikero. So lagi kong pinapasa sa kanila yung mga lessons na natutunan ko na dapat laging nagdadasal, kumakain ka ng gulay, maging mabait ka sa magulang mo. Bukod dun, dapat huwag mong isipin yung pera tsaka fame. Dapat mahal mo talaga yung trabaho mo.

Yun, pano mo dine-deal yun? Ang pinakamalaking stumbling block madalas sa mga batang artist, yung iba humahambog, yumayabang, lalo na kung sikat na. Yung fame, pag nakatikim ka na nun, hindi na kaya i-control. Ikaw, paano mo nako-control yun?

Hindi ko rin alam. Nagdadasal lang talaga akong mabuti eh. [laughs] Sa totoo lang, never kong iniisip na may magbabasa ng mga ginawa ko. Kasi tuwing magdo-drawing ako, sobrang napre-pressure ako pag iniisip kong babasahin ‘to ng maraming tao. So pagkagawa ko ng komiks or kahit anong kwento, ang number one iniisip ko lang is ako—ako yung audience, ako lang magbabasa nito—so dapat matuwa ako dun sa sinulat ko, sa ginawa ko, tapos tsamba na lang kung magustuhan din ‘to ng iba.

Anong nauuna, yung guhit o yung kwento?

Magandang question yan. Maganda. Pero usually dun sa Kikomachine Komix, ang iisipin ko muna yung kwento. Dapat may concept na, tapos yung art tutulong siya para makwento mo siya ng successful. So kwento talaga muna.

Kung kwento muna, saan yung hugot?

Araw-araw na buhay. Kaya napaka-importante na observant ka. Dapat alam mo ang nangyayari sa paligid mo, kasi saan ka kukuha eh? Kasi kahit may gusto kang gawing kwento, sobrang naman out of this world, ibang dimension, outer space, makakakuha ka rin diyan sa paligid bago ka maka-explore dun. May panggagalingan yan eh, yung mga nangyari sayo, sa paligid mo. Dapat conscious ka eh, yung utak mo parang sponge, kuha ka lang ng kuha ng material sa kwento.

An act of memory ano? Tatandaan mo, observant ka…

Pero bukod din diyan pala, minsan-minsan lang, siguro mga 10% ng paggawa ko ng comics, may mga times na may maiisip akong isang image, isang imahen na gandang-gandang-ganda ako na gustong gusto kong i-drawing talaga. Isang example niyan may naisip lang akong gustong i-drawing na taong nagklalakad tapos may mga malalaking puno, tapos umuulan ng parang snow pero abo pala ng sigarilyo, yung ember. So parang snow yung pagbagsak nila. Tapos parang ma-drama kasi ako eh, parang wow, nakakiyak naman to. Noong una wala akong naisip na kwento, at dahil sa image na yun, nakapagisip ako ng kwento. Nabuo ko rin yung kwento after a few months, parang post-apocalyptic world na ganyan tapos imbis na buildings yung tumatayo, mga puno yung tumatayo tapos bumabagsak yung mga buildings, tapos may mga higanteng puno na tumutubo, tapos may mga kapre na umaakyat sa mga puno na yun. Tapos nagsisigarilyo lang sila. Tapos umuulan na.

Ano ang nauuna sa paggawa mo ng kwento sa’yo—character first o plot?

Para sakin, personal ko to ha: Yung nagwork sakin, inisip ko muna yung plot, yung story muna. Nung nagumpisa yung Kikomachine Komix, wala akong major characters dun eh. Araw-araw bago-bagong mga character kasi kumukuha lang talaga ako ng kwento na nangyayari sa akin, sa mga kaklase ko, yung mga professor naming terror—ayan, iko-comics ko yan talaga. Tapos habang tumatagal, doon na ako nakabuo ng mga characters na regular, mga major characters ko.

Importante ba sa’yo ang tools? Anong klaseng pen, anong klaseng papel. I mean, yung sa camera sinasabi nila it’s not the camera, it’s the photographer, yung mata, composition, if you have an eye for the scene. Di’ba ganun din sa painting and all that? Ikaw, nasa visual arts ka, importante rin ba ang tools? Kung ako gusto kong sumunod sa yapak mo, kailangan ba ako mag-ipon para makabili ako ng maayos na art tools?

Sobrang gandang tanong yan kasi para sakin, hindi importante ang tools. Parang kahit sobrang pangit ng tools mo, ang importante yung story at paano mo siya mae-execute. Kaya nga kahit na hindi ka magaling mag-drawing, pwede kang gumawa ng comics. Importante yung story. Tapos yung tools, ang tingin ko diyan sa tools, tulong lang yan para mapaganda pa yung pagkwento mo. So swerte mo kung nakaipon na may mas maganda kang tools. Pero never yan magiging basehan para sakin. So maghanap ka lang ng okay na pen, kahit anong nagwowork for you, tapos make a career out of it.

Importante ba kumuha ako ng kurso sa pagiging artist? Ikaw, mayroon kang degree sa Fine Arts. Importante ba ‘yun? I mean, kasi, ako naman, in my experience, Psychology major ako sa UST, pero journalist ako by profession. So, I’m a writer. Hindi siya nagtugma, pero nagagamit ko yung napag-aralan ko sa Psychology in how to analyze sociopolitical realities.

Para sakin, hindi importante na kumuha ka ng kurso sa pagdrawing kasi mapa-practice mo lang talaga yan. Kasi pag nag Fine Arts ka, technique talaga ang makukuha mo, at pinapractice lang diyan ay yung paano ka maiiba. Pano mo iibahin yung sarili mo. Kunyari pumasok ka sa advertising, paano ka mag-iisip, paano mo iibahin tong pag-present ng produkto. So ganun ang practice namin sa Fine Arts. Paano mo iibahin yung sarili mo. So kahit hindi mo na aralin yung mga technique, basta maging conscious ka lang na paano ka magiging iba, yun lang kailangan mo para maging artist. –

 

ABOUT THE AUTHOR

JUST IN

More Stories