Muling nagpatuloy ang pagbibigay ng libreng medikal na serbisyo gaya ng checkup (Pedia, OB – if available ang doctor), electrocardiogram (ECG), complete blood count (CBC), Chest X-ray, Blood Chem, Sugar test, Cholesterol, Triglyceride HDL, gamot at dental checkup kasama ang simpleng bunot ng ngipin para sa ating mga kabarangay sa Barangay San Fernando, Lungsod ng Sto. Tomas.

Binibigyang-diin ng proyektong ito ang pangako ng pamahalaan na 𝗮𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 katuwang sila Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Sangguniang Panlungsod Members, Dr. Arnielyn A. Marasigan-Aguirre Head of Operations, City Health Office, Sierra Diagnostic Centre, Sierra Eye at mga Barangay Health Workers.

Kalakip din ng programa ang libreng gupit para sa ating mga kabarangay, sa pakikipagtulungan ng City LGBT Council at ang pamamahagi ng tungkod o wheelchair para sa ating mga senior citizens na nangangailangan nito.

Ang serbisyong ito ay patuloy na ilalapit sa mga mamamayan tuwing araw ng Martes at Huwebes. Manatiling naka-antabay sa mga anunsyo na manggagaling sa inyong barangay para sa araw na itinakda sa inyong lugar.