Dalawang dosenang diyona ng pag-ibig

 

Busilak

Perlas sa karagatan

Ng iyong kalooban

Na aking natagpuan.

 

Pagiging Payak

Palamuti mong taglay

Na aking hinangaan

At sukdulang minahal.

 

Aking Habambuhay

Dahil ika’y pinili,

Ako’y mananatili

Sa kandi mo’t kandili.

 

Antikwaryo

 

Kahit hindi na bago,

Ingatan mo’t itago

Ang antigo kong puso.

 

 

*Diyona- “isang katutubong tula na may pitong pantig bawat taludtod at ang saknong ay may isang tugmaan. Isa itong sinaunang tula na binibigkas at inaawit sa kasalan.”

ABOUT THE AUTHOR

JUST IN

More Stories