Iniisip-isip na Liham sa Kaibigang Makata sa Panahon ng FB (kay bay noel )

Kaibigan,

 

Petmalung lodi ka na dapat ngayon, paalala lang

Baka kasi nirarayuma na yang akay-akay mong salita

Sa taludtod; apdeyt apdeyt din pag may taym.

 

Wag na wag kang pupuslit ng kakosa, katropa, karantso,

Baka walang makaintindi: patok ang paps at repa.

Mala-wattpad ang peg ng drama ng saknong

 

Kung maaari; at kung maaari pa, ariin

Mo na ang kaluluwa ng kimchi at ramen.

Baka itakwil ng dila kung tayutay mo, tinola.

 

Subukin mong patakbuhin ang mga letra sa iskrin,

Parang werpapoynt, ganern, para werpa

Ang sens: powetri op da pyutyur kumbaga.

 

Pagbali-baligtarin mo lahat o ikut-ikotin.

Halimbawa: inubang wetripo, tulang kothu

Para petmalung-petmalu ang epek, parang

 

Lang Leav: ang ibig kong sabihin, post-

Modern ang peg; alam kong alam mo

Ang ibig kong sabihin.

 

Paalam at sumasaiyo,

( Kailangang kong basahin muli

Sina Kiko at Jose, Ruth at Rio! )

ABOUT THE AUTHOR

JUST IN

More Stories