Tapat na Empleyado ng Eurotel Angeles: Ibinalik ang Naiwang Pera ng Guest

Share

Angeles City, Pampanga – Isang kahanga-hangang halimbawa ng katapatan at integridad ang ipinakita ni Ms. Jessa Enson Hidalgo, isang Room Attendant ng Eurotel Angeles, nang matagpuan niya ang malaking halaga ng pera habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Noong Disyembre 3, 2024, natagpuan ni Ms. Hidalgo ang halagang PHP 23,500 sa higaan ng Room 615 habang nagpapalit ng mga linen pagkatapos ng pag-checkout ng guest bandang 8:07 AM. Agad niya itong iniulat sa pamunuan ng hotel at sinigurong ligtas ang pera.

Ang guest, na isang Malaysian national, ay tumawag sa hotel upang ipaalam ang naiwang pera. Lubos siyang nagpapasalamat nang malaman na natagpuan ito at ibabalik sa kanya.

Si Ms. Hidalgo, na 10 buwan nang nagtatrabaho sa Eurotel Angeles, ay nagpakita ng natatanging katapatan at propesyonalismo, na lubos na sumasalamin sa mga pangunahing mithiin at hangarin ng hotel—ang maging ligtas at kampante ang mga guest sa bawat paglagi nila sa Eurotel. Ang kanyang kahanga-hangang dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon para sa lahat.

Pinuri ni G. Ronaldo Sebastian, Eurotel Sector Head, si Ms. Hidalgo at ang branch ng Eurotel Angeles at sinabi, “Lubos kaming nagpapasalamat kay Ms. Hidalgo para sa kanyang katapatan na nagsilbing magandang halimbawa sa lahat Ang kanyang ginawa ay hindi lamang nagpapakita ng kanyang mabuting pagkatao, kundi pinagtibay din ang tiwala at serbisyong aming iniaalok sa mga guests.”

Dagdag pa ni G. Sebastian, “Nais ko ring pasalamatan ang Manager ng Eurotel Angeles, si G. Carlo Jimenez, sa mahusay niyang paghubog sa kanyang mga staff at sa palagiang paalala na ang mga guests ng branch ay itinuturing nating pamilya, kaya nararapat lamang silang alagaan nang maayos.”

Ipinagmamalaki ng Eurotel Angeles ang kanilang mga empleyado na nagpapamalas ng kahusayan at katapatan para sa kasiyahan at tiwala ng mga taong tumatangkilik sa Eurotel. Isang pagsaludo para kay Ms. Jessa Hidalgo para sa katapatan niyang taglay.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang Facebook (facebook.com/EurotelHotelOfficial) and Instagram (@eurotelhotelph) at https://eurotel-hotel.com/Home

Started in 1927, the Philippines Graphic is the longest-running printed magazine of national circulation that provides relevant news and features and promotes Philippine literature.

Table of contents [hide]

Read More

BingoPlus winner from Visayas shares jackpot experience

VIA GRAPHIC PLUS — “An unforgettable moment, a life changer, and a responsible mindset.” These are the words from the latest BingoPlus big winner from Visayas that won the ₱11,340,000.00 jackpot. Introduced by...

International convention of Jehovah’s Witnesses draw more than 5300 foreign delegates

VIA GRAPHIC PLUS — More than 5,300 foreign delegates from 80 countries are in Metro Manila to take part in the 2026 International Convention of Jehovah’s Witnesses until November 1. The three-day convention...

Southstar Drug and PhilHealth team up to simplify free medicine access

VIA GRAPHIC PLUS | MANILA, Philippines — Long before the doors of its first Naga City branch opened nearly nine decades ago, Southstar Drug has anchored its legacy on a single, enduring...

Merry & Massive deals at Toy Kingdom’s Toy Warehouse Sale 

VIA GRAPHIC PLUS | Mandaluyong, Philippines — Toy Kingdom is bringing smiles yet again to early holiday shoppers, bargain hunters, kidults and toy collectors with the return of Toy Warehouse Sale this...